Ang takbo ng buhay ay sadyang kaybilis, may pagkakataon na hindi natin namamalayan, hindi natin napapansin na tapos na pala, minsan nagugulat nalang tayo at nagsisisi dahil hindi natin napahalagahan ang isang bagay na lubos na mahalaga sa atin. Gusto man natin ibalik subalit hindi na maaari, may kasabihan nga na"past is past don't back, kaya naman kung ano ang mayroon tayo ay pahalagahan na natin habang ito ay nasa atin pa, dahil kapag ito ay nawala na , lumipas na hindi na natin maaaring bawiin pa.
Isang pangyayari ang hinding hindi ko makakalimutan sa aking buhay. Pangyayaring maaaring sumira sa aking buhay(over sa emote), itoa ng araw na sinabi sa akin ng aking mga magulang na maghinto muna ako sa aking pag-aaral. malaking katanungan ang biglang pumasok sa kaing isipan, BAKIT??? Isa lang naman kasi ang pangarap ko noong bata ako ,ang makatapos ng pag-aaral subalit bigla pa yatang mawawala. Nang araw na iyon para sa akin ako na ang pinakamalungkot na tao sa mundo(ang babaw) ngunit ng maliwanagan ang aking murang isip naintindihan ko sila. Hindi kami mayaman, kaya kailangan ko magpaubaya para sa ikabubuti namaing lahat. Hindi ako nag-aral ng 2 taon dahil nasa kolehiyo pa noon ang nakatatanda kong kapatid. Hindi kami kayang pagsabay-sabayin na pag-aralin. Ngayon nasa akin na ang lahat ng pagkakataon upang makapagtapos kaya naman ginagawa ko ang lahat para makamit ang aking munting pangarap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento