Pagbibigayan, magbigayan o kaya naman magbigay. Iyan ang salitang madalas kong marinig mula sa labi ng aking mga magulang. Ang salitang hindi madaling gawin dahil sa ilang mga dahilan. Paano nga ba tayo magbibigay kung sa atin ay kulang pa o hindi sapat. Di ba ang hirap??Noong ako ay bata pa lamang hindi ko pa alan ang tunay na kahulugan nito dahil ang nasa isip ko ay ang sarili ko lamang subalit ngayon, ang salitang ito ay lubos ko nang naiintindihan at masasabi kong masarap pala sa pakiramdam ang namamahagi ng mga bagay, ito man ay maging pagkain o kahit gamit na mahalaga sa akin lalo na kung para mga taong espesyal sa aking buhay.
Ang sarap sa pakiramdam na kapag naiisip ko na masaya ang aking mga magulang dahil napapahalagahan ko ang lahat ng kanilang sinasabi. Natuto akong magbigay ng walang kapalit dahil nakikita ko na masaya ang mga tao sa aking paligid.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento